[IMPORTANT] My 050 number: New application procedure

Para magkaroon ng My 050 Number, mag-log in sa My Account mula sa inyong smartphone at ipadala ang inyong registration sa pamamagitan ng mga sumusunod na steps:
  1. Sumang-ayon sa Terms of Service.
  2. I-validate ang inyong email address.
  3. Piliin ang inyong nationality at i-type ang uri ng Identification Document (ID).
  4. Kuhanan ng litrato ang inyong ID at punan ang inyong personal information.
  5. Kumpirmahin ang impormasyon at ipadala.
I-scan ang QR code na ito para ma-access ang My Account

Mahalagang Paalala

Ang kopya ng mga ID ay kailangang malinaw, nababasa at ang ID expiration date ay kailangang mahigit sa 30 days bago ang application date. Kung hindi, ang inyong application ay hindi mapoproseso.

Paalala: ang My 050 Number ay amin lamang ibibigay kapag naging matagumpay ang proseso ng pag-verify ng inyong ID at ito ay tatagal ng ilang araw. Maaari rin kaming humingi ng karagdagang dokumento o hilingin na muli ninyong ipadala ang inyong ID kung ito ay hindi namin mabasa. Ang update sa inyong account ay ibabatay sa inyong ID.

Ang applications sa pamamagitan ng third parties (maliban sa kaso ng mga menor de edad), ay hindi namin tinatanggap. Upang makapag-apply sa serbisyong ito para sa mga menor de edad, kailangang ipadala ang valid ID ng minor at ang consent form ng magulang o legal guardian.

Ang My050 service ay limitado sa 1 (isa) numero bawat tao.

Ipinagbabawal ng Company ang mga sumusunod mula sa mga users kapag ginagamit ang serbisyong ito: paggamit o pagtatangkang gamitin ang 050 IP number sa ibang pamamaraan maliban sa nakasaad at/o itinakda ng serbisyo (kabilang, subalit hindi limitado sa commercial na gamit bilang office telephone number, internal extension, o call center number).

Panoorin ang aming video tutorial (iOS / Android) kung paano magkaroon ng bagong Brastel account kung kayo ay wala pa nito, paano i-set up ang My 050 app, paano magkaroon ng My 050 number at paano gumawa ng pagbabayad.