[IMPORTANT] My 050 Number Service Charges

Mula September 1st, 2022, magkakaroon na ng fee para sa My 050 Number Service. 

Ang mga users na mayroon ng My 050 number bago mag-September 1st, 2022 o nag-apply para sa serbisyo via authorized agents* ay hindi magbabayad ng maintenance fee hanggang April 1st, 2023.

*Sa April 1st, 2024, ang mga customers na nagkaroon ng 050 numbers mula sa aming authorized IP-phone service agents, ay sisingilin ng maintenance fee na 550 yen para sa 6 na buwan.

Tungkol sa Fees

Fees (non-refundable, tax included):
  • Application fee: ¥550.
  • Maintenance fee: ¥550 every six months.
Kapag ang inyong application ay naaprubahan na, kayo ay magkakaroon ng 050 number na may five free calling minutes na magagamit upang subukan ang serbisyo.
Kung ang kontrata ay nais ninyong kanselahin, makipag-ugnayan sa aming customer service sa loob ng walong araw matapos na ma-issue ang 050 number. Walang charges sa pagkakataon na ito.
Kung nais ninyong panatilihin ang kontrata ng inyong My 050 number, mangyaring magdagdag ng sapat na credits sa inyong account para sa application at unang maintenance fee bago matapos ang trial period.

Tungkol sa Billing Rules

Ang nabanggit na application fee, kasama ang unang maintenance fee ay ibabawas sa ika-9 na araw matapos ma-validate ang application at makakuha ng 050 number. Ang susunod na maintenance fee ay sisingilin sa due date sa katapusan ng bawat billing period (tuwing ika-6 na buwan). Ang mga fees ay parehong ibabawas sa balanse ng Brastel account ng customer.
Ang inyong 050 number ay pansamantalang made-deactivate kapag walang sapat na balanse ang inyong account at kayo ay hindi makakagawa ng tawag o makakatanggap ng incoming calls. Kapag ni-recharge ninyo ang inyong Brastel account at ito ay may sapat na balanse para ibawas ang maintenance fee, ang inyong account ay awtomatikong mare-reactivate. Kung sa loob ng anim na buwan at ang inyong 050 number ay nanatiling deactivated, ang inyong kontrata ay ma-eexpire. At kapag ito ay na-expire, kayo ay kailangang mag-apply muli para sa bagong Brastel account upang magkaroon ng bagong 050 number.

Tungkol sa Due Date

Ang charges para sa maintenance fee ay ibabawas sa inyong account tuwing ika-anim na buwan, at ang  bayad para sa unang maintenance fee ay sa ika-siyam na araw matapos ang petsa na na-issue ang inyong number.
Halimbawa: ang inyong 050 number ay na-issue ng September 10th, ang inyong unang billing date ay sa September 18th. Ang susunod na maintenance fee ay inyong babayaran tuwing March 18th at September 18th. Kung ang unang due date ay natapat sa huling araw ng buwan, ito ay gagawing 1st o unang araw ng susunod na buwan. Halimbawa: ang inyong unang due date ay natapat ng September 30th, ang bayad para sa unang maintenance fee ay magiging October 1st. Ang susunod na maintenance fee ay inyong babayaran tuwing April 1st at October 1st.

Tungkol sa paggamit ng My 050 App Nang Walang My 050 Number

Para sa mga customers na mayroon ng 050 number:

Kung hindi ninyo nais na magbayad ng maintenance fee, mangyaring i-request na kanselahin ang inyong 050 number. Tandaan lamang na may mga limitasyon kapag walang 050 number.

Para sa mga customers na nag-iisip mag-apply para sa 050 number:

Ang My 050 app ay maaari lamang gamitin para sa outgoing calls at hindi ninyo kailangang magbayad ng maintenance fees para rito. Subalit ang mga sumusunod na limitasyon ay ia-apply.

Limitasyon para sa app users na walang My 050 Number:
  1. Kayo ay hindi makakatanggap ng tawag.
  2. Kayo ay hindi makakagawa ng libreng tawag sa pagitan ng My 050 users.
  3. Kayo ay hindi makakagawa ng libreng tawag sa 0120 free dial numbers.
  4. Ang Caller ID ay hindi magagamit at ang inyong phone number ay hindi ipapakita. Samakatuwid, ang inyong tawag ay hindi makokonekta kapag gumawa ng domestic call sa numerong may restriction sa mga callers na walang caller ID.
Tungkol sa pagkansela ng 050 Number

Para kanselahin ang inyong My 050 number, mangyaring magpadala ng request sa cancel_my050@brastel.co.jp kalakip ang impormasyon sa ibaba:
  • Inyong buong pangalan;
  • Email address na inyong ginamit sa pagpaparehistro ng My 050 number ;
  • Inyong Brastel account User ID number (access code);
  • Inyong My 050 phone number;
  • Dahilan ng pagkansela.
Ang lahat ng cancellation requests ay ipoproseso lamang sa mga sumusunod na business hours: Mon. 9:30 - Fri. 18:30

Susubukan naming gawin ang aming makakaya upang ito ay kaagad maproseso.
Gayunpaman, ito ay maaaring magtagal kaya mangyaring ipadala ang inyong request nang hindi bababa sa 2 business days bago dumating ang due date ng inyong maintenance fee. Tandaan lamang na ang mga requests ay hindi namin pinoproseso ng weekends at national holidays.

Kayo ay makakatanggap ng notification mula sa amin pagkatapos maproseso ang inyong request. Tandaan lamang na kami ay hindi tumatanggap ng cancelation requests via phone, chat o SNS. Magpadala lamang ng email sa cancel_my050@brastel.co.jp

Kahit ang inyong 050 number ay ma-expire, kayo ay maaari pa ring gumawa ng outgoing calls o gumamit ng iba pa naming serbisyo hangga't ang inyong Brastel account ay valid at may natitirang credit. Sa simula, ang expiration date ng inyong Brastel account ay isang taon mula sa petsa nang ito ay ma-issue. Subalit ang anumang tawag o transaksyon (maliban sa credit transfers sa pagitan ng Brastel accounts) na magreresulta ng pagbabago sa inyong balanse, ay magpapahaba ng isang taon sa validity ng inyong account matapos ang nabanggit na tawag o transaksyon.

Tungkol sa Pagkolekta ng Personal Data Information

Bilang pagsunod sa mga tuntunin at regulasyon tungkol sa IP Phone Service, ang users ay kailangang magbigay sa amin ng mga sumusunod na impormasyon, tulad ng full name, date of birth, nationality, address, valid identification document at E-mail address. Kung ang inyong My 050 account ay active ngunit hindi pa nakarehistro sa amin, mangyaring gawin agad ito at makipag-ugnayan sa aming customer.